Lungsod Cagayan de Oro, Agosto 4, 2025 โ Nakikiisa ang Kagawaran ng Edukasyonโ Rehiyon X sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 na nagpapahayag ng selebrasyon tuwing ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto. Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”, na inilunsad sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Pinangunahan ni Gng. Mala Epra B. Magnaong, Hepe ng Curriculum and Learning Management Division (CLMD), ang pormal na pagsisimula ng selebrasyon ngayong araw sa Tanggapan ng Rehiyon X,Kagawaran ng Edukasyon .Binigyang-diin ni G. Armando Agustin, Tagamasid Panrehiyon sa Filipino, ang kahalagahan ng patuloy na pagpapayabong ng wikang Filipino at mga katutubong wika bilang mahalagang bahagi ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa.
Ang programa ay dinaluhan ng mga kawani ng Tanggapan ng Rehiyon X suot ang makukulay na katutubong kasuotan, bilang pagpapakita ng suporta sa adbokasiya ng pangangalaga at pagpapalaganap ng mga katutubong wika at kulturang Pilipino.
Magsasagawa rin ng ibaโt ibang aktibidad ang Rehiyon sa buong buwan ng Agosto upang higit pang palalimin ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga kawani, guro, at mag-aaral sa ating pambansang wika.
Patuloy na itinataguyod at pinagyayaman ng DepEd ang wikang Filipino at mga katutubong wika bilang instrumento sa pagkatuto at simbolo ng pagkakakilanlan ng bansa.