B๐๐ฆ๐๐๐๐ก | โ๐ง๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต ๐๐ผ๐๐ป๐ด ๐ฐ๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ป ๐๐ผ ๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐บ ๐ฏ๐ถ๐ดโ: ๐๐๐ธ๐ถ๐ฑ๐ป๐ผ๐ป ๐๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ, ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป
Nobyembre 4, 2022 โ Para sa kanyang hindi natitinag na hangaring magserbisyo sa kanyang mga estudyante at komunidad, isang guro mula sa pampublikong paaralan sa Rehiyon 10 (Hilagang Mindanao) ang kinilala bilang isa sa 2022 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Ibinahagi ni G. Junmerth T. Jorta, Teacher I at Officer-in-Charge ng Keupiyanan Te Balugo, isang Last Mile School sa Bukidnon, na isa sa mga dahilan sa likod ng pagkilala sa kanya ay ang kanyang layunin na ituro sa mga kabataan ang magkaroon ng malaking pangarap.
โI love to teach young children to dream big. I wanted to influence and inspire young learners to pursue their dreams. I want to continue doing my best for the countless IP children, helping them prepare at an early age for them to have the highest possible chances of becoming successful in the near future,โ saad ni G.Jorta kasama ang pagbabahagi ng kanyang karanasan sa pagtuturo sa indigenous community ng San Fernando.
Sa mahigit isang dekada ng pagtuturo, pinagtuunang pansin ni Jorta ang pagtataguyod at pagpapanatili ng pagkakakilanlan at kultura ng Tribong Matigsalug upang mabuo ang indigeneity-centered education.
โIt is my long-term vision that in five to 10 years, IP learners can access culturally appropriate and child-friendly facilities such as a library with books and audio-visual materials, a playground, and a clinic. These can be achieved through multi-sectoral engagement and tangible support from IP education champions,โ ani Jorta.
Sa hybrid conferment ceremony ng Metrobank Foundation Inc. (MBFI), kinilala si Jorta para sa kanyang natatanging kontribusyon sa Indigenous Peopleโs (IP) community upang labanan ang kagutuman at kamangmangan sa pagtataguyod ng youth and community programs.
Kabilang sa kanyang mga hinahangaang inisyatiba ang Pagkaon Sakto, isang hunger-free lunch program na naglalayong hikayatin ang mga estudyante na mag-enrol, at maiwasan ang pagliban at pag-dropout sa pamamagitan ng pagbuo ng nourishment at learning projects.
Sinimulan din ni Jorta ang OK sa Balugo, isang pagsasama-sama ng mga programa at proyekto sa pagkuha ng resources para sa iba pang mga pasilidad tulad ng entablado ng eskuwelahan, banyo, sound system, at feeding materials, at ang BASA Balugo at Kubo sa Pagbasa, isang espesyal na programa sa pagbabasa upang buoin at palakasin ang kakayahan sa pagbabasa ng mga non-readers na bata.
Ang iba pang mga guro na tumanggap ng prestihiyosong parangal ay sina Christine Joy DR. Aguila, Ph.D., โQuezon Cityโs Champion Educator of Filipino Language Instruction,โ Special Science Teacher 5, Philippine Science High School โ Main Campus (Quezon City); Mark Nolan P. Confesor, Ph.D., โMindanaoโs Physicist-Educator Extraordinaire,โ Professor 6, Mindanao State University โ Iligan Institute of Technology (Iligan City); at (4) Leonila F. Dans, M.D., M.Sc., โManilaโs Pioneering Educator on Pediatric Rheumatology,โ Professor 12, University of the Philippines Manila (City of Manila).
Binubuo ng apat (4) na guro, tatlong (3) sundalo, at tatlong (3) pulis, tumanggap ang 2022 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ng P1 million cash prize, gold medallion, at โThe Flameโ trophy mula kay Metrobank Chairman Arthur V. Ty at Metrobank Foundation President Aniceto M. Sobrepeรฑa.
