TINGNAN: Agosto 18, 2025 – Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, nakasuot ng kanilang mga katutubong kasuotan ang mga kawani ng DepEd Regional Office X bilang pagpapakita ng yaman ng kulturang Pilipino.
Sa naturang seremonya, nagbahagi ng ulat ang hepe ng bawat Functional Division hinggil sa mga Programa, Proyekto, at Gawain (PPAs) ng bawat isa para sa linggong ito upang masiguro ang patuloy na maayos na paglilingkod.
Samantala, nagbigay ng kanyang mensahe si Panrehiyong Direktor Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III, kung saan hinikayat niya ang lahat ng kawani na ipagpatuloy ang tapat na paglilingkod at pagpapatakbo ng mga gawain sa tanggapan. Kanyang ibinahagi rin ang talinhaga ng punong kawayan, na nagsisilbing paalala ng kahalagahan ng pasensya, katatagan, at pagtitiyaga sa trabaho at sa buhay.
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas #DepEd10BigaTEN
#DepEdRegionX #BuwanNgWika2025



